by: Stephen Buslon
May isang sisiw na agila. Maliit, mahina, at walang kakayahang mabuhay mag-isa. Siya ay isinilang sa isang mundong mapanganib. Ngunit sa tulong ng kanyang magulang at ng mga agilang mas matanda sa kanya, siya ay natuto ng maraming bagay. Sapagkat siya ay isang sisiw pa lang, hindi siya marunong kumuha ng kanyang sariling pagkain kaya ito ay binibigay sa kanya ng kanyang mga magulang.



